Lunes, Enero 9, 2012

unang pahina

Napakabuti ng Diyos. Hapon na naman, malapit nang matapos ang araw ngunit hindi pa tapos ang gawain. Tunay ngang napakabuti ng Diyos sapagkat siya ang nagbibigay ng lakas sa atin.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ng blog at natutuwa ako dahil naumpisahan ko na rin sa wakas, ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin para sa sarili ko.  Habang tulog ang mga bata at oras ng aking pahinga, narito ako at nagsusulat.  

Magkukwento muna ako...

21 years old ako nung pumasok ako sa HLURB at nagtrabaho.  Eto ang una kong trabaho pagkatapos kong magtapos sa aking pag-aaral.  3 years akong contractual employee. ok lang, petiks petiks, hindi masyadong mahirap ang trabaho, hintay ng sweldo sa ika-5 at 20 ng buwan. Ang saya diba? walang pagod pero sumasahod. Kumuha ako ng eligibility exam sa Civil Service Commission para ma-regular ako sa aking trabaho at nangyari nga iyon. 

January 2004, kinasal ako sa boyfriend ko. March 2004 nung ako ay na-regular sa trabaho. lumaki ng konti ang sweldo, nadagdagan ng konti ang trabaho pero hindi parin pagod.  ayos lang. 2005 napromote ako, nadagdagan ulit at sweldo, ayos. lumipas ang mga taon, andun parin ako sa trabaho ko, at ganun parin ang ginagawa ko. pero dahil sa maluhong pamumuhay at kulang sa pagpaplano, wala akong naiipon. kahit sweldo ng asawa ko na nagbabarko, nagagastos ko, hay, ano ba yan!  

2009 may na-introduce sa amin na produkto na sya namang ibinenta ng asawa ko sa kasamahan nya sa barko. napalakas nyang kumita noon,  hindi na nya pansin ang sweldo.  Nakita niya na may potential siya pagdating sa pagbebenta at inuudyukan sya ng kasamahan nya na magbusiness nalang dito sa Pilipinas.

2010 nagdesisyon na akong magresign sa trabaho ko para tutukan ang mga anak ko at magsimula naring magnegosyo.  May nakilala akong "coach", business and spiritual "coach" nung mga panahong yon.  natuwa ako dahil madami akong natututunan sa kanya hindi lang sa financial kundi pati na rin Spiritual side. Hindi ko akalain na ito ang magpapahamak sa aming pamilya.  Sa kagustuhan namin na magnegosyo, kumita at hindi na bumalik ng barko ang asawa ko, nakinig kami sa lahat ng sabihin ng "coach".  kumita kami konti nung una pero nabaon sa huli. Naniniwala ako na mahal kami ni YHVH (Yahweh) dahil inalis nya kami sa "grupo". 

2011 nagsimula ang struggle dahil nga hindi na bumalik sa barko ang asawa ko at nagsisimula kami ng negosyo.  Konti ang kita pero napaka-daming bayarin.  Sustain lahat ni YHVH ang aming araw-araw na pangangailangan.  Marami siyang ginamit na tao para kami ay bigyan ng puhunan sa negosyo. Trial and error lang kami kaya mejo hirap din sa simula.  Para kaming ginto na dumadaan sa apoy para maging purong ginto. Napakabuti parin ni YHVH, nabubuksan ang aming mga mata sa mga bagay na hindi namin nakikita dati.  babalik ako sa trabaho, para madagdagan ang kita. madami akong inaplayan pero hindi ko alam kung saan ako papasok.  Hinihintay ko ang kasagutan ni YHVH dahil alam ko na sa tamang panahon, ibibigay nya ang trabahong para sa akin.

Sa ngayon, ako ay dakilang nanay at asawa. Dito lang ako sa bahay at ginagawa ang mga bagay na hindi ko nagawa sa ilang taon na pagtatrabaho ko.  Mahirap sa umpisa dahil hindi ako sanay mapagod pero sa paglipas ng mga araw, unti unti ay natututo na ako at na-aapreciate ko na ang ginagawa ko. Minsan naiisip ko, sana hindi nalang ako umalis sa trabaho, sana bumalik na sa barko asawa ko para hindi na kami mahirapan financially, para magkaroon na kami ng fixed income buwan buwan. Pero sa tuwing makita ko ang mga anak ko na nilalambing ang tatay nila, sa tuwing natuturuan ko ng assignment ang panganay ko, sa tuwing karga ko si bunso para patulugin, sa tuwing sabay sabay kaming kumakain, nagpapasalamat ako kay YHVH na kumpleto kami at magkakasama. Hindi man katulad ng dati ang kinikita, masaya kami at madami kaming natututunan sa bawat isa.  

May bubuksan pala kaming gotohan, andun ngayon si Mister.  natutuwa ako sa ginagawa ni YHVH sa buhay  namin, unti unti, kumikinang ang ginto.

Oras na para magluto ng hapunan.. bukas ulit. Shalom